Thursday, March 5, 2009

parasan?

isa akong tao na naninirahan sa daigdig

mga katarantadunhan aking nadinig

mahirap isipin kung para san

ngunit nakita ko ang kinabukasan

mundong tinitirhan

pang hanggang saan?

magugunaw ba sa kasalanan?

oh maglalaho sa kinabukasan?

para san ang tagapamahala?

kung sila rin naman ang sisira?

tinaguriang tagapag alaga..

ngunit sila ang gumambala...

dibat sinabi nya "tayo ang mag alaga?"

bakit tayo ngayon ang sumisira?

kapaligiran na masarap pag masdan?

ngayon ay nasaan?

dagat na pinagkukunan

ngayon lason ang kinahinatnan

langit na nililiparan,

ngayon ay usok ng kadumihan

kadiliman, kaliwanagan...

kasaganahan, kahirapan...

katarantaduhan, kabutihan...

kalakasan, kahinaan...

tayo'y isa lang sa tagapag alaga..

na walang ginawa kundi sumira.

mahirap isipin na tayo'y inatasan.

ngunit pilit itong kinakalimutan....

No comments:

Post a Comment