Friday, August 26, 2011

di ko lubos na maisip
katauhan ko na dati'y nakapiit,
sa kadiliman ng pasakit
ni sinag ng araw ay di maaninag kahit sa panaginip.

isa akong kalat sa daan,
kabilang sa sakit ng lupunan
sakit na di kayang remedyuhan,
dahil sa mga nakasagawian.

pero nung ikaw ay nakilala
buhay ko'y naiba
lupa kong landas ng kalsada
ngayo'y pina konkreto mo na.

ikaw ang dahilan ng aking pag hinga,
araw,oras at minuto na ikaw ang aking kasama
di mapaliwanag na saya ang aking nadarama,
sapagkat aking nang napagtanto na mahal kita.!