Monday, September 3, 2018

2018-09-03

pag ibig ko sayo'y totoo
magunaw man ang itong mundo
ikaw lang ang iibigin ko

tukso'y aki'y iiwasan,
bisyo'y tatalikuran,
para tiwala mo'y di lumisan.

isipan at puso ko'y nakakulong sayo,
ni minsa'y di ka nawala sa isipan ko,
sana'y ito ay tanggapin mo.

di man ako masalita, na laging bukang bibig na mahal kita,
di man ako ma aruga, na laging nandyan pag malungkot ka
pero handa akong ibigay ng buo itong puso ko

Saturday, September 3, 2016

...

kay ganda ng umaga pag ika'y nakita
puso'y lumulundag sa tuwa't saya
para bang ako'y sa langit nakatira
pag ikaw ay aking kasama

isip at puso ko'y ibibigay ko
handang ibigay ang lahat sayo
tanda ng labis na pag mamahal ko
kahit ano'y ibibigay sayo

sinta ako'y bihag mo
lahat akin ay gagawin
para makita ang ngiti mo
kahit na mag mukang tanga sa iyong paningin

giliw wag m akong sukuan
di ko mawari ang gagawin
pag ika'y lumayo sakin


_______________________________
sanay iyong nagustuhan,
ang dali daling tula na gumuhit sa isipan
pasensya na't aking nakalimutan

Thursday, August 27, 2015

untitled.

ikaw ay aking iniirog sinta
saya't lungkot ikaw ang nais kasama
umulan o umaraw, nais kang makita
ibig ko lamang iparating na mahal kita.

bundok man ay aking aakyatin
dagat ay akin naman lalanguyin
himpapawid ay aking liliparin
walang makakahadlang sa ating pag mamahalan

hindi ako mag sasawang mahalin ka
araw araw kang pag silbihan,
gabi gabi kang pag lilingkuran,
hirap ay titiisin para sayo sinta

hindi man ako perpekto,
hindi man ako gwapo,
hindi man ako matalino,
isa lang ang iaalay ko sayo...
ang pagiging tapat, at laging totoo,



<<<<<<<<<<<
wag nang kumontra.
hahaha :)

Saturday, August 9, 2014

aug. 10, 2014.

hindi ko alam kong pano ko sisimulan mag sulat, pero sa pag iisip ko.. naka pag simula na pala ako..
1 year ako di nakapag bukas nintong blogspot..
nagulat ako meron 73 views last month... sino ang dakila kong taga bisita ng page?
hahaha...


hindi ako isang hari,
pero kaya kitang gawing reyna.
hindi ako isang prinsipe,
pero kaya kitang gawing prinsesa.

wala akong malaking tahanan,
pero mabibigyan kita ng masisilungan.
wala akong sasakyan,
pero kaya kitang ihatid sayong pupuntahan.

wala man akong pera,
pero gagawan ko ng paraan.
wala man akong maibibigay na bagay,
pero mabibigyan kita ng pag mamahal na tunay.

isa man akong hamak na tao lamang,
na ang tanging mayroon ay pag mamahal,
pag mamahal na hindi matatapatan,
hindi matatapatan ng isang kayamanan.



Friday, July 12, 2013

eto... taon taon ko na ginagawa para sayo :D
july 10 :D
sabi ko matulog kana :D
kunwari mag aaral ako :D
hahaha :D
syempre para mahaba ang preparasyon.

para ma edit ko pa pag pinost ko :D


hindi ko nga alam kung makakagawa pa ako eh :D
parang nawala na talent ko sa pag susulat :D

KISAP MATA....

pag gising ko sa umaga
muka mo lamang ang gustong makita
dasal panandalian, sunod ay text na...
di mawala sa isipan oh aking sinisinta....

sana sa buong araw ika'y makasama,
kasabay kumain, pati na kumanta....
teka, ano ba to?... nasa mundo paba ako??
pakiramdam ko pag kasama kita, ako'y tila na yumao...

kakaibang saya, sa akin ika'y nag dala...
buhay dati sa kadiliman...
makalipas ng ilang taon ay luntian na..
pag ibig nga naman.. kayang baguhin kahit ano ka pa man...

lungkot, saya, sakuna, at kahit anong pang pahirap...
ikaw lamang ang nais na makaharap...
makaharap sa malayong hinaharap...
wag ka sanang mawala ng isang sulyap...

Tuesday, June 18, 2013

bakit nga ba?

bakit mas ipinag diriwang ang araw ng kamatayan?
kesa sa araw ng pagkabuhay?
ibig sabihin na masaya tayo na namatay sya?

tanong lamang :D

kasi kaarawan ngayon ni Rizal, ngunit tila iilan lamang ang nakakaalam :D

Wednesday, February 6, 2013

ayoko ng baboy!!!!!!!!!!!!!!!!!

ayoko ng makakakita ng isang baboy na nag sasalita ngayong eleksyon,
sasabihin na ganto gagawin ko dito, ganyan gagawin ko dyan...
ung baboy na gagawin lahat ng kasinungalingan, mapaniwala lamang ang taong bayan!
ung baboy na kakamay dito, kakamay don, kaway dito, at kaway don....

ung baboy na naka upo, literal na nakaupo lamang sa trabaho,
sibukan mo nga kayang tumayo? oh ganyan ka nalang hanggang matapos ang iyong termino...
tapos tatakbo muli at ganyan ulit ang pag gagagawin mo?
PUTANG INA! pag nanalo ka... yan lang ang masasabi ko!

pabata ng pabata ang mga baboy ngayon...
baboy din ako. pero hindi tulad ng mga kababuyan mo...
may nagawa kaba? may napatupad kaba? wala diba?
Puro papogi't paganda lamang ang inyong mga ginagawa....

listahan ng mga baboy...
   santo papa- may pinakulong na katiwala dahil sa pag lalabas ng katotohanan.
   presidente- puro kurakot ang ginawa, at magaling umarte.
   Mga senator- tipong tatlong taon ang termino eh walang nagawa kahit ako. pinag mamalaki nila       ung pag eendorso.
Mga Mayor- eto ung mga hindi mo makikita pag kailangan sila.
Mga treasurer sa mayor's office- ung dating may kaya lamang... ngayon ay napakayaman.
Mga konsehal- naka nganga lang.. tapos makikita mo sa tarpaulin ang kanilang mga muka.
mga kapitan- ung tipong ang ginagawa nya lang eh tagapag ayos ng dalawang panig, tapos binubulsa
   ung pera ng bayan.
Mga Konsehal ng barangay- pati ba naman cedula may bayad pa? WTF
SK Chairman- ung tipong may budget, tapos wala miski isang naipatupad??? " putang ina ang bata mo pa ah?"
Mga opisyal ng Gobyerno na tiwala..

hindi ko naman kayo nilalahat...
meron din namang iba dyan na hindi katulad ng nasa itaas...
pero pag tinamaan ka...
sigurado isa ka sa kanila.