Thursday, August 27, 2015

untitled.

ikaw ay aking iniirog sinta
saya't lungkot ikaw ang nais kasama
umulan o umaraw, nais kang makita
ibig ko lamang iparating na mahal kita.

bundok man ay aking aakyatin
dagat ay akin naman lalanguyin
himpapawid ay aking liliparin
walang makakahadlang sa ating pag mamahalan

hindi ako mag sasawang mahalin ka
araw araw kang pag silbihan,
gabi gabi kang pag lilingkuran,
hirap ay titiisin para sayo sinta

hindi man ako perpekto,
hindi man ako gwapo,
hindi man ako matalino,
isa lang ang iaalay ko sayo...
ang pagiging tapat, at laging totoo,



<<<<<<<<<<<
wag nang kumontra.
hahaha :)