Saturday, September 3, 2016

...

kay ganda ng umaga pag ika'y nakita
puso'y lumulundag sa tuwa't saya
para bang ako'y sa langit nakatira
pag ikaw ay aking kasama

isip at puso ko'y ibibigay ko
handang ibigay ang lahat sayo
tanda ng labis na pag mamahal ko
kahit ano'y ibibigay sayo

sinta ako'y bihag mo
lahat akin ay gagawin
para makita ang ngiti mo
kahit na mag mukang tanga sa iyong paningin

giliw wag m akong sukuan
di ko mawari ang gagawin
pag ika'y lumayo sakin


_______________________________
sanay iyong nagustuhan,
ang dali daling tula na gumuhit sa isipan
pasensya na't aking nakalimutan

No comments:

Post a Comment