Wednesday, February 6, 2013

I'm your puppet... I'm your clown


kung ang aking pakpak ay tatanggalin,
mabuti pa na ako'y iyong patayin.
barilin ng harapan oh saksakin,
kesa tirahin habang nakatalikod at kumakain.

buhay ko'y walang sigla,
kung pag lipad ay wala na.
mistulang nakakulong sa maliit na mundo
tulad ng isang alagang aso.

bat di bigyang pansin Gobyerno?
tingnan ang sarili mo!
sa salamin ng katotohanan,
makikita mo ang tunay na MAKASALANAN!

tinamaan ka?
Sana nga mamatay kana
tamaan ka ng sarili mong bala,
tumama sana sa iyong muka...

bat di bigyan lakas ang mahihirap?
di tingnan ang sistema ng batas.
Karampatang parusa sa may sala'y iparanas....
hindi ung ibang tao ang dumaranas !

ako'y hindi na muling mag tataka,
kung sa susunod na taon ay meron pa,
meron pang mas malupit na mapapatupad na nakakasagasa sa karapatang pantao,
makakasagasa sa tulad kong makabansa't makatao.

No comments:

Post a Comment